432 - Manindigan Kay Jesus

Manindig kay Jesus!
Kayong kawal ng krus;
Watawat N'ya'y itaas,
Di dapat makilos;
Sa mga pagwawagi,
S'ya'y mamamatnugot,
Hanggang bawa't kaaway
Ganap na masakop.

Manindig kay Jesus!
Kayo'y tumalima;
Humayo't magsisulong
Sa pakikibaka;
Kayong mga lalaki'y
Maglingkod sa Kanya,
Sa panganib ay tapang,
Lakas ang sandata.

Manindig kay Jesus!
Lakas N'ya ang tabnan;
Di dapat magtiwala
Sa'yong kalakasan.
Ebanghelyong baluti'y
Isakbat, lumaan,
Saan ka man tawagin,
Doo'y h'wag magkulang.

Manindig kay Jesus!
Di malalaunan
Ang labana'y hahantong
Sa pagtatagumpay.
Doon sa magwawagi
Ay putong ng buhay;
Sila ng Haring Jesus
Maghaharing tunay.

0:00 0:00